Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder

Hi! ako nga pala si Miko. Tumutula ako. Gumagawa rin ako ng music, BAGANI MUSIC pangalan ng studio ko. Umaarte din ako, minsan maarte talaga ako. Nag-aral ako ng architecture kaso di ko talaga type eh.

Kayo naman!

Share

Reply to This

Replies to This Discussion

heyah! JM here! Mahilig akong kumanta at magdrawing. Nagcocompose din ako ng kanta minsan. Marunong din akong sumayaw. Dati akong umaarte (o nagiinarte) lolz pero dahil nakakulong ako ngayon sa mundo ng call center.. natigil ang lahat... kaya eto... online nalang nagmamasid at pinu-frustrate ang sarili. :)

Reply to This

ako naman si albert, pero tawagin nyo nalang akong albert (huwat daw?) mejo nabuburyo ako kaya eto nagpapakilala...nag gigitara ako, pero dehins magaling, minsan gumagawa ng mga half songs...half songs lang kasi lagi first half lang lagi nagagaw ako, di na natatapos...nagddrawing ako minsan sa bus, kung walang makausap at hindi ako nakatira sa pilipinas

Reply to This

Hello mga kapatid! I'm Lalita Saulo. Owner of Suspended Animation Media. www.suspendedanimation-media.com . It's a pool of talented artists who are Professional digital artists, Concept artists, Story board Artists, Hand Artists, Song Designers, Video editors, Web masters, Web designers, 2D and 3D Animators. I like writing and alot of how i express myself are at http://lalita.zettapod.com/

I have 3 kids named Gopal, Radha and Kala.

At eto ang MOTTO ko:

Improvise. If something makes you sad, find something that makes you happy.
Life is a musical impromptu.
You'll never know what note you're gonna hit.
BITAW lang.

Reply to This

hi...ako si aubrey. but you can call me aubs. nagaaral ako ng photography, film and video...film and video...well...di pa ako masyado mahilig dun...passion ko talaga photography. nag major ako sa advertising arts noon sa UST...fine arts, drawing-drawing-an. Apat na taon ko pinagaralan tapos, di ko pa tinapos. lumipat ako ng bansa at iniwan ang lahat. frustration ko ay tumula...spoken word. dahil ke miko at nityalila, jourdan, teddy at sa lahat ng nakilala ko dahil sa spoken word, sila ang nagiinspire saken. salamat din ke miko at nityalila na nakilala ko ang mga iba't ibang inspiring na tao sa mundo netong industriya...tulad ni lalita at ni kuya abet. pati na rin sa lokaret na si maya at mga tauhan sa my little art place. tignan niyo na lang mga gawa ko sa http://wantok.deviantart.com. taga MadHouse Project pala ako...http://madhouseproject.multiply.com. gusto ko lang i-share.

Reply to This

kung kalahati lang nagagawa mo baka kelangan mo ng ka-collaborate! :)

Albert said:
ako naman si albert, pero tawagin nyo nalang akong albert (huwat daw?) mejo nabuburyo ako kaya eto nagpapakilala...nag gigitara ako, pero dehins magaling, minsan gumagawa ng mga half songs...half songs lang kasi lagi first half lang lagi nagagaw ako, di na natatapos...nagddrawing ako minsan sa bus, kung walang makausap at hindi ako nakatira sa pilipinas

Reply to This

Adelle Victoria. Litratista ng sining. Aktres. Mangaawit pero hindi mangaagaw. Makata. Mananayaw. Maarte. Gumagawa ng mga kanta gamit ang mga salita at boses; musikerang walang gitara, inagawan ng piyano, tinaguan ng biyolin. Isang palaisip na loka-loka. Sa sobrang pagkaloka ay naging isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Bitaw. Gusto niyang malaman ang lahat, gaya ni Da Vinci. Kumakain ng buwan. Isang masugid na nagmamahal kay Pilipinas. Ngayon ay malayo sa sariling bayan nang dahil sa Pag-ibig. Magiging asawa at maybahay ni Vladimir, isang bampirang luntian ang mata. Mahilig tumanaw sa terasang puno ng baging at mailap na rosas. Paborito niyang amuyin ang mga pahina ng bagong libro. Adik sa pag-iikot sa mundo. Kolektor ng mga istorya ng mga estranghero, sirena, at siyokoy. Kolektor ng mga walang kuwentang lumang bagay, lalo na ng mga makalumang gamit sa fotografia, para gumawa ng kuwenta at kuwento. Nananaginip siya na sana'y umulan ng kamera. Nag-aalaga sa kalikasan sa pang-araw-araw na buhay. Luntian. Organik. Galit sa plastik bag at plastik tao. Madaling mandiri. Nagnanais na maging mananahi. Nagnanais ng kapayapaan, kasaganahan, kagandahan. At sa uulitin, higit sa lahat- - Maarte. Maarte talaga.

Reply to This

yo! ako naman si rodea. oo, lagi nang kakabit ng pangalang yan ang joke na may kinalaman sa de-lata. shesh. katulad niyong lahat, maarte din ako. mabusisi. mahilig magbutingting. ako ay isang nars..dito sa pinas. naisip kong tsaka na lang ako magpapakahon sa balikbayan box bilang isang exported good. mahal ko ang sining. kung wala niyan, malamang ilang dekada na akong tinitibi sa emosyon. ehem. masarap magligtas ng buhay at magbigay serbisyo. pero marami pa akong bagay na gusto talagang gawin, karirin at butingtingin. tulad ng musika, pagpipinta at photography. nakakalungot man, pero naisasantabi muna sila. pasulpot sulpot lang. pasundot sundot. pero, magkikita kita rin kami sa hinaharap. sa ngayon, magpapakadalubhasa muna ako sa sining ng pag aaruga.

bow.

Reply to This

...im byron..im new here..sna welcome ako d2..isa akong nurse sa isang ospital d2 sa rizal..i've heard about bitaw sa radio...dun sa radio show nila dj tado..sa 99.5..got nothing much to say..araw araw ospital bahay ospital bahay ospital bahay..un ang buhay ko araw araw..araw araw iba ibang tao, iba ibang sitwasyon, ibat ibang prblema, iba ibang istorya..

Reply to This

YOSH!
im janine (jae9) but some of my friends call me Ja. I'm a good for nothing Violinist that hopes to go to Juilliard one day and graduate with honors. Mahilig akong mangarap. Mangarap lang. Gusto ko maging direktor ng Indie movies kapag grumadweyt na ako. Mahilig din ako sa mga weird. Yun nga ang maganda dun eh, kaya nga ang tawag "WEIRD". Weird art..Music..People..Places and anything that goes under the shade of Weird. Kaya nga mejo weird na rin ako eh. At ito ang isa sa mga pinanghahawakan ko sa buhay..


Having luck is not being lucky, but being lucky to have the chance.

Reply to This

Hello! Name is Ida Noelle Calumpang.
I'm a happy Christmas tree!
I am also a matchstick, a water nymph and a fortune cookie.

I am a professional Racket Scientist currently specializing in independent film production and making the best falafel sandwiches in the world.

Masarap mag Tagalog (Its delicious to speak Tagalog)
Pero mas masarap magmahal! (But it is more delicious to Love)

Its great to have met all of you that have introduced yourselves. Welcome to the BITAW COLLECTIVE!

Peace

Reply to This

ako si Maki, M-A-K-I, walang "C" at walang "Y". Istudyante at maraming pangarap. Naghahanap ng mga bagong bagay na may katuturan at katatawanan. Marunong gumuhit at maggitara, marunong lang at hindi magaling. Madaling makalimot, madaling matuto pero matagal umintindi. Madalas lumilipad ang isip. Nasagitna ng mundo ng ideyalismo at pagiging praktikal. Maraming tanong, maraming gusto malaman, maraming gustong malampasan. Gusto ko lamapasan kung ano yung kaya ko para malaman ko ang limitasyon ko at maramdaman kung ano ba talaga ang saysay ng pagiging tao.

Reply to This

Akosi Marvin, manunugtog, manunula, pwede ring manunulat...makata, minsan malata! pero di laging nakahilata!
myembro ng grupong bushfire pag may tugtugan,..nagtata trabaho naman sa isang BPO ( Building Pang Opisina =) ) pag umaga sa liwasan.

Gusto ko ng tubig, pag ibig, pag asa at musika,gayon din ang potograpiya at theolohiya. Ayaw ko naman sa mga kumokopya at walang sariling diskarte sa paglikha at stratehiya.

Panaginip at Ambisyon sabi nga'y imposible, pero ang mga Bitaw maestro na din ang nagsabe....
Lahat mangyayari kung determinado, hindi bukas o sa makalawa, hindi sa sabado o linggo...
simulan ngayon...wag ng lumingon..sulong ng sulong hanggat abutan ng dapit hapon...

Bow...palakpak..,trabaho muna ulet..

Reply to This

Reply to This

RSS

About

Bitaw Bitaw created this Ning Network.

Badge

Loading…

Birthdays

Birthdays Tomorrow

© 2009   Created by Bitaw on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service