Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder

Hi! ako nga pala si Miko. Tumutula ako. Gumagawa rin ako ng music, BAGANI MUSIC pangalan ng studio ko. Umaarte din ako, minsan maarte talaga ako. Nag-aral ako ng architecture kaso di ko talaga type eh.

Kayo naman!

Share

Reply to This

Replies to This Discussion

Hello!!!! ako po si charm. ahm, kani kanina lang mga 20 minutes ago, sumakit yung ulo ko. kanina pa kasi ako nag pprogram... (programmer po ako) este, 5 araw ko na pala pinagkakaabalahan ang program na toh. naisipan kong mag break sandali. gusto ko kumain ng ice cream sa ministop. akalain mo yun, pag labas ko ng building may bagyo pala. minsan po, loser ako (take note the word minsan) dahil hindi ako nanonood ng tv, nakikinig ng balita sa radyo or nagbabasa ng dyaryo. pag tawid ko po ng kalsada, may mamang taxi driver na naninigarilyo sa isang waiting shed. sinitsitan nya ko at sabing "miss beautiful, wala kang payong". aba, manong, matagal ko ng alam na beautiful ako. at dahil sumitsit sya, hindi ko sya pinansin. sabay buhos ng sobrang lakas na ulan.... whaaaaaa!!!! sabay takbo!!!! nakarating ako sa ministop na basa. tumambay muna ako sa labas. nakakahiya naman kung papasok ako sa ministop at ganun ang itchura ko. nag punas punas muna ako ng panyo. may tumabi saken na magandang babae. sexy. sosyal. matangkad. nagkatinginan kami. ngumiti sya saken sabay sabing "miss, saan ang papuntang ayala?" ay, akala ko pa naman magkakaron ako ng bagong friend. tinuro ko yung robinsons summit. "sa likod po nyan yung ayala". nag thank you sya, naglabas ng sigarilyo at sinindihan nya ito. dahil malakas nga ang ulan, pareho kaming nakatambay sa labas ng ministop. may dumating na isang lalake. maputi. chinito. wow, ang pogi naman nya. siguro boyfriend sya nung babaeng katabi ko. nakatingin kasi yung lalake sa amin at papalapit sya. pero teka, baket parang ako ang nilalapitan nya?!? pataaaaaay!!!!! weakness ko pa naman ang mga pogi! pambihira talaga! kung kelan naman basa ako chaka pa nagkakaron ng mga ganitong eksena sa buhay ko. nag smile sya at nagsalita. "......." ano daw?!? wala akong naintindihan. koreano pala sya. hindi ko maintindihan ang english nya. "what?" sabi ko. "can you tell how to get to salcedo tower?" sa mga sandaling iyon, akala ko kinakantahan nya ako ng outro ng sesame street... hehehehe. eh, pero hindi ko alam kung saan yung salcedo tower. "im sorry, i don't know. i think it's that way." aba, umalis ang loko at hindi man lang nag thank you. mukang nagmamadali. nako, baka maligaw si kuya. hindi ko tlga alam ang salcedo tower. natawa nalang ako sa sarili ko dahil mukang mali yung naituro kong direction. nakita pala ako nung magandang babae na tumatawa. medyo masama na ang tingin nya saken. nahiya ako at pumasok na ko ng ministop. ang lameeeeeg!! sobra! parang ayoko na mag ice cream. bumili nalang ako ng c2. sakto pag labas ko, huminto na yung ulan. bumalik ako ng building at etoh na po ako ngayon. basa, umiinom ng c2, at first time magppost sa bitaw. hehe.

nalaman ko po yung bitaw dahil last march 1, 2008 napanood ko po yung bitaw collective sa freedom bar. anniversary po yon ng bandscapes at isa po ako sa mga nag organize ng event together with shine (sunshine prod) and chill (flowerfilter prod). hinanap ko ang bitaw sa net kasi gusto ko sila iinvite sa mga future events ko. hehe. nakakatawa kasi ang mga jokes nila. at hangang hanga tlga ko sa performance nila dahil with matching dance number. ang galing galing. ibang klase talaga.

ayun po. every 3rd saturday may event po ako sa calye brown el pueblo ortigas. sana po makadalaw ulit yung bitaw. hehe. ^_^

ay teka, love hate productions nga pala. http://lovehateproductions.multiply.com

Reply to This

leah. pero lala nalang, o kaya leah narin sige. advertising major ako. kasalukuyan akong gumagawa ng thesis ngayon. gusto ko nang sumayaw ulit! at gusto ko nang mangulit.
gusto ko narin magsulat, umarte, kumanta at magback hands-free. mas gusto kong lumipad kesa magdive. ewan ko ba.

gusto ko ang salitang 'wala lang' o 'wala lang talaga'.

hay ang saya dito! wala lang.

merry christmas!

Reply to This

ako si teddy. spoekenword artist, composer, musician, lead singer for the band rocksteddy, artista dati sa idol ko si kap, sugo, at ngayon ay nasa shockattack at weakend news ng tv5, im also apart of the best comedy group in the philippines called BITAW. fulltime husband & father. cat lover. book lover. busto ko makilala in person si sark, ewan mcgregor,danny boyle, ewen bremer, tom york, robbin williams, jim carey at jack black. gustong maging pintor, pro skater, at maging vic sotto someday! mwahaha! my favorite childhood snack is pompoms, chickadeez and pritos ring w/ fruit juice and nutri-ban. favorite toy ko ay yung robot jock, g.i joe specialy si isneyk ays, ninja turtles, jolen, teks, barilbarilan na gawa sa kahoy (yung iniikot yung trigger para tumunog), my green side car bike, ghost busters back pack, and ninja turtles na skateboard w/ brakes and side bars na bunili sakin ng erpat ko.

Reply to This

Gusto ko din nung ghost buster backpack ser.. pahiram.. hehe

andresbulate said:
ako si teddy. spoekenword artist, composer, musician, lead singer for the band rocksteddy, artista dati sa idol ko si kap, sugo, at ngayon ay nasa shockattack at weakend news ng tv5, im also apart of the best
comedy group in the philippines called BITAW. fulltime husband &
father. cat lover. book lover. busto ko makilala in person si sark,
ewan mcgregor,danny boyle, ewen bremer, tom york, robbin williams, jim
carey at jack black. gustong maging pintor, pro skater, at maging vic
sotto someday! mwahaha! my favorite childhood snack is pompoms,
chickadeez and pritos ring w/ fruit juice and nutri-ban. favorite toy
ko ay yung robot jock, g.i joe specialy si isneyk ays, ninja turtles,
jolen, teks, barilbarilan na gawa sa kahoy (yung iniikot yung trigger
para tumunog), my green side car bike, ghost busters back pack, and
ninja turtles na skateboard w/ brakes and side bars na bunili sakin ng
erpat ko.

Reply to This

Ako ang Yabang Pinoy.

Isang maninigaw at manggigising ng diwa ng mga tulog at walang pakialam na anak ng lupang hinirang. Hilig ko ang magkalat ng tsimis tungkol sa kagalingan ng ating lahi. Higit sa pagiging isang organisasyong lapad, ako'y isang pagiisip.

Tagasuporta ako ng mga Pinoy na tindahan at talento.

Pangarap kong tumino ang Pilipinas.

Marahil magsisimula ang lahat sa pisong hawak mo.

Reply to This

Ako si Nityalila.
Sumusulat ng kanta, tapos kakantahin habang nag gigitara.
Isang vegetaryan simula kapanganakan.
Mahilig sa maalat, maasim, at hilaw.
Maalat na pritong tokwa, maasim na sinigang, at hilaw na kerots.

Gumagawa din ako ng mga websites at pag minsan nag e-edit ng mga music videos at dokyumentaris.
Tumatayong nanay ng BITAW Comedy Collective at
minamahal ko si Miko Pepito.

Reply to This

ako si john carlo. bagong salta lang ako dito sa BITAW, mga 12:48 pm nung dumating yun confirmation message. hindi ko alam kung bakit ko naisipang sumali dito. siguro dahil crush ko si abby asistio. wala naman talaga akong talento pagdating sa sining. para kasing para sa mga malikhain 'tong site na 'to. iyong mga tipong kaya ilahad ang nasa saloobin sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.

ang huling tula, short story at essay na ginawa ko e nung high school pa. at sapilitan pa 'yun kasi grade ang kapalit nun. hindi ko nga alam kung paano ko nakakabuo ng tula sa loob ng isang oras (cramming is the best policy). kaya pagdating ng klase namin eh nagtatago talaga ko para lang huwag matawag at basahin ang ginawang tula, at hindi lang basta babasahin 'yun. may kritiko na ala simon cowell kung magkomento.

siguro kung may bahid man ng sining sa katawan ko e siguro pagdating na lang sa musika. hindi ako magaling umawit o tumugtog ng gitara. pero marunong ako tumugtog ng mga instrumentong ginagamit sa rondalla, banduria, octavina, at baho de arko. marami pa akong pangarap tugtugin, violin, saxophone saka kung anu pang maisipan ko. at saka gusto ko din makasama tumugtog 'yun nga taga bayanihan.

ayun lang. wala na ko maibahagi. isa nga pala akong inhinyero na nakakulong sa nakakabagot na mundo ng outsourcing.

Reply to This

kutipoy

gamer (online games, lan games, rpg)
player (any sports - basketball, baseball, volleyball, table tennis, tennis, sepak takraw, darts, swimming, etc.)
graphic artist (invitations, posters, magazines, tarps etc.)
web designer (secret :p)
sig maker (ex - sinister sig maker)
laboratory aide (in a vet college in a university in cavite)
technician ( computer and other electronics)
typist (computer shop, home, anywhere)
messenger (also in the same university)
electrician (home)
mechanic (my father and brothers cars)
janitor (home and the same university)
gardener (home and the same university)
carpenter (home and the same university)
photographer (anywhere)

OA siguro ang tingin nyo pero sa totoo lang ginagawa ko po yan lahat yan, pero siyempre depende sa occasion pero mas malimit ako magbasa ng MANGA...

tubong Cavite, tinubuan sa Cavite, nanubo sa Cavite, nagpapatubo sa Cavite...

nice to meet you guys :)

Reply to This

"Once upon a time, isinilang si Tibaksi
At nagliwanag ang buong bahay dahil ikinabit ulit ang metro ng kuryente.
Pero ang istorya ng buhay niya ay walang kinalaman sa post na ito."


- Lider ng Leyte Electric Cooperative Gang


Tibaksi is a Waray-waray term for "speedy" (Hindi yung sabon.) .

Ewan ko kung bakit ko naisip yan at tsaka ewan ko kung bakit pa ako nag-isip.
Puede naman akong tawaging Josh, JJ, Awts, Entoy, Laway, PasawayNgBahay, RingoStar, RainbowStar18, DarkAngel101, CalculusMageCosine90^2.

At syempre hindi ako si Mr. Flash. Masyado lang yata akong mabilis kapag tawag na ng kalikasan. Marunong akong magprogram, gumawa ng mga systems na ikinagagalak ng mga Government agencies dahil nakakalibre sila. Comsci major kasi kaya mahilig din akong kalikutin ang PC kong pentium 3 para magmukhang core 2 duo. O di kaya from windows xp to windows vista. Pero di ko rin nagagawa dahil marami pa akong ginagawang mas may kabuluhan para sa akin.

Mahilig akong tumula lalo na yung Waray-waray poems or para mas sosyal, "siday". Isang paraan daw yun para at least mapreserve ang namamatay naming kultura. Pero ewan, gusto ko lang yata gumawa ng tula dahil sweet daw pakinggan sabi ng mga girls, nakakairita naman daw sabi ng mga Congressman.

Mahilig din ako sa sports lalo na yung ginagamitan ng bola gaya ng volleyball, soccer, sepak, softball, jackstone, jolens. Pero sadyang walang masyadong hilig ang sports sa akin dahil ni minsan di pa rin ako nagkatrophy, bali sa paa, pwede pa.

Mahilig din akong makipag-argue constructively para hindi boring ang mundo. Pero yung arguments na tipong may sense, medyo academic at hindi yung ganitong usapan:
Manong A: Y'all Wasup Wasup.
Manong B: Yu son of a b****!.
Manong A: Watsda prablem yu fa**ing murun.
Manong B: WTF! dont english me.
Manong A: kaw nagsimula! sabog ka yata.
Manong B: Binuntis mo kya jowa ko! 2 months n raw.
Manong A: Syatap.Anung buntis? Isa pa, Jowa ku na yun. Break na kayo kahapon.
Manong B: Sinong break! Anung break?!Wag mong ibahin ang usapan!

I like passionate people with sense of humor of course at idol ko si Rizal dahil cool sya sa chicks at da best din sya as a writer and a reformist. I like lumpia, sizzling porkchop, movies, korean movies, bob ong books, nonfiction books, palaboks, pancit canton, sotanghon, manga, anime, paintings, sculptures at math chuva. Other stuffs that I like is my own country pero boring daw yun sabi ng mga taong walang inatupag kundi pakapalin ang kanilang sariling interes, lupa, bahay, yaman forever. Sagot ko naman, hindi ba nabobore yung country sa inyo?

Nice meeting you all Bitaw!

PS: I am from the wilderness of Tacloban City na highly urbanized but politically immature.

Reply to This

Ako si RJ. RJ Taganas. Romeo ang "R", Jose ang "J". Romeo ang tatay ko, JOSEfina ang nanay ko.
Isa akong ilokano, wen manong!
May alam konting panggalatok (akin-ey?) dahil pangasinense ako.
Mahilig ako magbasa at magloko.
Nagtapos ng pilosopiya kaya parang wala ako nararating, diyan lang.
Pangarap ko malibot ang buong Pilipinas...iyan ang ginagawa ko buwan buwan.
ano pa ba.....yan muna....tara, ikot tayo!

Reply to This

Hi ako si CJ Perez. I am a neophyte here. Ako ay mahilig mag travel dahil ako naman ay Tourism major sa UST. Masasabi ko na walang kasing ganda ang Pilipinas dahil "There is no place like home'. Philippines has a lot to offer in arts as well. Dahil masasabi ko we are all artists in our own ways. Now I am soul searching. Hope I can find my own niche in this world. To find what I am looking for.

Reply to This

ako c HENRY HUET but you can call me LEY-LEY kc un ung twag nila skin d2 samin...student ako ng TARLAC STATE UNIVERSITY na HARDCORE!...hilig ko ang makinig ng mga reggae,rock and hardcore music, wala lng sa itchura ko pero un ung mga guto kong music..gustong gusto ko din nglalaro ng bsketball ksama ang mga barkada ko..lage kme ngpupunta kung saan saan pra mkapgbsketball lng..hehe cool dba?...
Nakita ko itong bitaw nung nanuuod ako ng SHARON s ABS-CBN nbilib ako dun sa mga speed talker..txaka c TEDDY idol ko din un...hehe

Thanks to BITAW!...keep blessed always!..,stay irie always...
JAH Bless!

Reply to This

Reply to This

RSS

Badge

Loading…

Birthdays

© 2009   Created by Bitaw on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service