Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder

(Nainspire ako sa kanta na Mabuti Pa ni Gary Granada, "..mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel..", ayun lang... hehe)


Ang Huling sulat ng Ballpen sa Papel


Sa bawat pagpagdampi ng katawan ko sa iyo,

Ay ang mga huling hininga na mailalabas ng puso ko.

Sa mga saglit at mga panahong pinagsamahan,

Ay ang mga panahon na kailanma'y di ko malilimutan.


Sa bawat gabing naging kapiling ka, at mga umagang gumising na kasama ka,

Ikaw’y naging katuwang ko hinagpis at saya.

At kung maibabalik ko lang ang mga nasayang na panahon,

Mga oras na alam kong di na maibabalik ng kahapon,

Pipiliin ko ang mga oras na kasama ka,

Kung saan ang unang saya ay ang huli ring ligaya.


Ngayong nalalapit na ang katapusan kong ito.

Isa lang ang hiling ko, na ang alaala ito ay makarating sa mga makakaintindi,

At ang mga sulat ko sayo ay habang buhay na mananatili.

Nagmamahal…. Kaibigan….

Share 

Comment

You need to be a member of Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder to add comments!

Join this Ning Network

Badge

Loading…

Birthdays

There are no birthdays today

© 2009   Created by Bitaw on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service