This is one of the pinakacorny kong nagawa. Haha. Ewan.
May mga pagkakataong ang pakiramdam mo sinakluban ka na ng langit at lupa, yung para bang wala ng saysay ang buhay mo, na kung wawakasan mo man ito, walang manghihinayang.
Alam mo siyempre, na may iba pang tao na may mas mabibigat na problema sa'yo, pero teka, eh bakit ba? Eh sa nabibigatan ka nga eh.
Sa mga ganitong yugto sa buhay, ang dami mong naiisip, mga bagay na ni sa hinagap di mo naman nasumpungan at alam mong kung susumpungin, malabo ang kalalabasan.
Minsan gusto mo na lang tumanda na agad, yung tipong malapit nang humimlay, sa ganitong paraan, ang problema maya-maya lang dala mo na sa hukay.
O kaya naman parang ninanais mong bumalik sa pagkabata, mag-lollipop ka na lang maghapon hanggang sa wala ka ng pearly white teeth, pinkish gingivitis na lang ang natira. Yung kahit anong laro gawin mo ok lang. Maghapon ka man sa layasan at uuwi lang pag nakita mo na yung titilaukan ng nanay mo sa pagtawag sa pangalan mo, sabay palo pagtapat mo pa lang sa may hamba ng pinto. Iinom ka lang at magpapawala ng hikbi, friends na ulit kayo. Ayos, bati na ulit.
Baka naman mas gusto mo pa din yung mas bata, yung magpapagulong gulong ka na nga lang sa kuna at magbabasa ng lampin. Magiiiyak magdamag at mangbubulabog ng sambahayan, sakto lang, mahal ka pa din.
Pero parang mas maganda yung nakafetal position ka na lang sa loob ng uterus, quiet ka lang dun, emote emote ng konti, naghihintay ng nutrisyon na dadaan sa umbillical cord, nagpapalusog para pag dilated na ang cervix ready ka na, pero nung 10cm, nagbago isip mo sa paglabas at naisip na sana pala naging H-mole ka na lang.
Sa dinami-dami ng mga naglalarong kaguluhan sa utak mo, parang gusto mo na lang ipa-autoclave to, para pagkatapos, sterile na. Walang masakit na alaala, walang hindi magandang nakaraan, walang problemang kailangang dalhin kahit saan, wala, wala kahit anong laman.
Naisip mo na din magpa-general anesthesia na lang. Para wala nang nararamdaman.
Ginusto mo nga minsan na magpasagasa din kaya? Kung hindi mo lang naalala yung halos di na makilala ang facial features na pasyente mo sa Surgical Ward, malamang ikaw na pinopost-mortem care ngayon.
Sana pa kamo, ang memory parang sa computer na lang, delete na lang ng delete ng mga ayaw, yung mga masakit sa pusong ireminisce, at ayaw ng balikan. Shift+DEL lang kailangan permanente nang hindi masasaksihan, at kung sakali man na may ibang pending pa sa judgment ng konsensiya mo, irerecycle bin mo muna, para anytime andun lang.
One time gusto mo pang idonate yung hypothalamus mo, para wala nang emotion center ang sistema mo, kaya lang walang nagooffer ng hypothalamus transplant.
Sa lahat ng naisipan mo na to, at madami pang iba, ni isa walang makatotohanan, ang layo layo mo sa realidad, kaya tuloy naalala mo na lang yung sinabi ni Ma'am Abinsay nung period ninyo sa Stress, walking is a stress-reliever daw. Nainspire ka tuloy mag-walkathon, sa dami ng stress na sumasagko sa dapat sana'y maayos na anod ng buhay mo, nagventure ka mula Ne Mall lang naman hanggang sa 7/11 sa may NEUST. Yung tipong nakapang-Sunday Service ka pa, at nakahigh-heels. Sa bandang huli, parang nastress-out ka pa lalo. Ayaw mo na tuloy maniwala sa professor mo.
Sa totoo lang, ang dami mo pang naisip na gawin para matapos na lahat ng kababawan, pero hindi ba mas magandang tingnan sa mas magandang perspective ang lahat ng bagay. Ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na lahat ng nangyayari sayo dito, mga trailer lang bago ang isang magandang pelikula. Kumbaga appetizer sa isang eat-all-you can na handaan. Rehearsals para sa most-awaited na ballet recital. Training ground ng sundalo bago isabak sa laban. Intermission Number bago ang isang glorious na stage play, stage play na kahit kailan man ay hindi nagcclose ng curtains.
Inip na inip kang umalis sa mundong to, hindi mo alam, may naghihintay na sa'yong one way ticket papunta sa kabilang-buhay, yung wala ng balikan, yung forever, yung eternal.
Dahil diyan,
Enjoy Life.
Take One Step At A Time.
Don't Rush Things.
See Everything Through Our Father's Perspectives.
*biglang ganun? haha. anu daw?!*
Tags:
Share
You need to be a member of Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder to add comments!
Join this Ning Network