"...mane! mane! bagong luto yan oh! mane..."
Narinig ko nanaman yung exaggerated na "NE" niya habang nagaalok sila ng paninda, at naisip ko kung MANE ba talaga o MANI yung tamang pronunciation dun.
"...mane! mane! ser bagong luto yan oh, ser mane? mane ser?..."
Limang taon... sa limang taon na yon at sa bawat byahe ko pauwi galing ng maynila, yan ang naririnig ko. Sa Lawton pa lang, maririnig mo na agad ang boses nila. Sa bawat pagbukas at sara ng pinto ng G-liner isa lang ang sigaw nila, sigaw na dumadaig sa mga sigaw ng nagpoprotesta sa Liwasang Bonifacio, sigaw na umiibabaw sa mga sigaw ng mga barker sa harap ng City Hall, sigaw na di nagpapatalo sa sigaw ng kasoy, C2, at mineral water vendors. Iyon.... ang sigaw ng mane.
"... ser mane?.."
At oo... ang bango ng tinitinda nilang mane. Nangingibabaw ang amoy ng bawang sa loob ng G-liner. At nangingibabaw din ang tili ng babaeng nasa likod ko ng makita nya yung ipis sa may pasamano ng bus.
Naisip ko tuloy... kumakaen ba ng mane ang ipis?
Di ko sigurado, pero ang alam ko si Dumbo kumakaen ng mane. Nakita ko kung pano kumain ng mane si Dumbo. Pero ano nga ba ang meron sa mane at pati si Dumbo eh nahilig sa mane?
At ano rin ang nakain ng mga tao? Bakit nga ba sikat na sikat ang mane sa maynila?
Mane?
Mane=Maynila?
Maynila ang lugar ng Mane.
Napansin ko din yun... sigurado akong napansin nyo din... Maynila nga ang lugar ng mane... hindi sa Sta. Mesa, hindi rin sa Cubao. Sa Maynila...
bagong luto... mabango...
Bumaba ako ng Quiapo... sa kanan... simbahan.... sa kaliwa.... mane.
sa kanan nagpupunta ang mga tao para umasang makapunta ng heaven.
sa kaliwa naman, ang mga taong pupunta sa heaven.
at oo... nasa kaliwa ang mane.
Sa kanan, yuyuko ka pagpasok mo sa gusali. Sa kaliwa, yuyuko ka naman paglabas. Iba talaga ang Maynila, ang lugar ng mane.
At oo, iba talaga ang mga tao.
Iba sila pagmasdan.
Iba sila kumilos kapag nagmamasid ako.
Iba din ang napapansin kong kilos ng tao kapag nakamasid ako.
Iba din ang pagmamasid habang kumakain ng mane.
Malutong...
Mabango...
Bagong luto....
Tags:
Share
You need to be a member of Bitaw! - Being Inspired Through Active Wonder to add comments!
Join this Ning Network